Tuesday, May 14, 2013

Ang Mabuting TSISMIS!

               Bulong-bulong, satsat. sabi-sabi! Kadalasan ay iyan na ang nakagawiang gawin ng karaniwang Pilipino sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Kadalasan o di naman kaya ay karaniwan na itong tinatawag na TSISMIS.  TSISMIS! Na kadalasan ay siyang pinagmumulan ng mga di kanais-nais. Simulan natin sa simpleng tsismis na narinig sa kapitbahay, na kumalat sa kahabaan ng kanilang kanto, na umabot sa buong baranggay hanggang sa magkaroon nga ng tinatawag nating AWAY. AWAY na kadalasan ay lumalala mula sa simpleng harapan (face to face), na umabot sa baranggayan, hanggang sa magkagalit pati na rin ang kanikanilang mga pamilya. Tanong! Masama ba ang TSISMIS? Sa opinyon ko, HINDI! Kung ito ay bibigyang bihis natin sa parang makabuluhan at makatuturan at walang halong personalan. Tama di ba? Pag-usapan natin ang mga bagay-bagay ukol sa buhay ng Pilipino at maging ng ating bansa sa gayon ay makapagbigay at makapagpamahagi ng mga makabuluhan at makatuturang impormasyon sa ating mamamayang Pilipino! Pag-usapan natin ang nakaraan, kasalalukuyan at maging ang hinaharap! Sa anumang aspeto ng ating lipunan, kahirapan, edukasyon, usaping pampamahalaan o maging ng bansa! 

No comments:

Post a Comment